International Coastal Cleanup, nanawagan ng mga volunteer

MAS maraming volunteers pa ang kinakailangan para sa gaganaping ika-27 taunang International Coastal Cleanup (ICC) sa buwan ng Oktubre.

Kasabay ng pang-aanunsiyo, sinabi  ni David Pittenger, director ng Ocean Conservancy/ICC PhilippinesTrash Free Seas program, imbes na Setyembre 15, 2012, ikakasa ang paglilinis sa mga karagatan sa Oktubre 6.

“We need more volunteers than ever. Last year, volunteers found enough food packaging to get takeout for breakfast, lunch and dinner every day for the next 858 years,” pahayag pa ni Pittenger.

Makakatuwang ng Ocean Conservancy ang Phillipine Coast Guard Auxiliary (PCGA) at iba pang responsableng organisasyon sa paglilinis ng mga karagatan alinsunod na rin sa nilagdaang kasunduan nila noong Agosto 16, 2012.

“Trash jeopardizes the health of our ocean, our economy and people. That’s why it’s important to tackle what’s preventable,” dagdag pa ni Pittenger.

Ang tema ng ICC ngayong taon ay “Take on the Trash” na ang mga magboboluntaryo ay mangangako na tutulong sa kolektibong pagkilos para maubos ang basura sa karagatan sa pamamagitan ng pagbawas sa kanilang itinatapon na basura at paglilinis sa basurang naitapon na sa mga dagat at daluyan ng tubig.

Noong nakaraang taon nasa 598,076 katao ang namulot ng 9,184,427 pounds ng basura sa 20,775 milya ng dalampasigan.

Sa nakaraang 26 taon, mahigit sa 9,361,453 volunteers na ang nakapag-alis ng  153,790,918 pounds ng basura sa 312,290 milya ng dalampasigan sa 153 mge bansa at lugar.

Upang makasali sa nasabing kilusan, maaari kayong bumisita sa kanilang website nasignuptocleanup.org. Dito kayo lalagda sa isang pledge at maaari rin kayong mag-imbita ng mga kaibigan na sasali sa pagkilos para mabawasan ang basura sa karagatan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply