IR Cup at IRGP 6, raratsada na

HANDANG-HANDA na ang mga kinikilalang Underbone racers sa bansa upang muling magbakbakan sa racetrack upang mapabilang sa hanay ng mga IR Cup at IR Grand Prix champions.

Sa darating na September 30, mag-iinit na naman ang Carmona Race Track para sa Round 2 ng IR Cup series.

Kasalukuyang nangunguna si Vrei-ar Suba sa 130cc Automatic Open Category at sa 115cc Underbone category habang si Paul Mark Doblada naman ang 160cc Automatic. Wagi man sa 130cc Underbone category si Tracy Soyangco, pumapangalawa lamang ito kay Raniel Resuello sa kategorya ng 180cc Automatic Open.

Ang binatang si Anthony Roman naman ang nangunguna sa 150cc Underbone Open category kasunod nina Marvin Mangulabnan at Rizaldy Canare. Sina Roman, Mangulabnan, at Canare ay kapwa naglalaban din para sa kampeonato ng kauna-unahang one-make race sa bansa, ang MotoIR Championship.

Samantala, isa sa mga taun-taong inaabanga’ng Underbone racing sa bansa, ang Inside Racing Grand Prix o IRGP, ay pormal nang inilunsad at gaganapin ito sa weekend ng November 23 hanggang November 25 sa Carmona Racetrack.

Kasalukuyang hawak ng Suzuki – Team Pilipinas ARRC rider na si John Lery Enriquez ang Castrol Power 1 130cc GP title, at sa privateer naman na si Dashi Watanabe ang Castrol Power 1 Automatic trophy. Si Watanabe rin ang naguwi ng titulo para sa Automatic GP race ng Denso Spark Plugs. Hinati rin ng Gulf Pride ang kanilang papremyo sa Juniors Trophy at Masters Trophy kung saan si John Allen Mendez ang may hawak ng titulo sa Juniors at si kay Brian Ortile naman ang sa Masters Trophy.

Ang Inside Racing Cup Series (IR Cup Series) at Inside Racing Grand Prix 6 (IRGP 6) ay pinangungunahan ng Inside Racing Magazine at ng Editor-in-Chief/Publisher nito na si Al Camba.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply