Iringang Balay-Samar group pinabulaanan

TAHASANG itinanggi ngayon ng ilang kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino na may dalawang paksyon sa Malakanyang, ang Balay at ang Samar.

Ang iringang ito ng magkabilang grupo ay muli umanong nabuhay dahil sa isyu ng DILG outgoing na si Undersecretary Rico Puno.

Sa isang press conference, sinabi nina House Majority Leader at Mandaluyong City Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II at Marikina City Rep. Miro Quimbo na ang kwento ay nilikha lamang diumano ng ilang kampo na tutol sa mga polisiya na ipinatutupad ni Pangulong Aquino.

“Personally, wala akong nakikitang laban kasi kaming allies nakatingin kay Presidente regardless of political residence,” ani  Gonzales.

Paliwanag ni Quimbo na ang may ilang personalidad na nagmula sa iba’t ibang grupo ay nagkakaisa diumano para magsilbi sa tao.

“We always talk about it, but I think it is more of fiction than real. The supposed rift between the Samar and Balay is being fomented by groups that are against the President,” ayon kay Quimbo.

Ang Balay Group ay isinunod sa dating campaign heaquarters nina Noynoy Aquino-Mar Roxas tandem sa Cubao, Quezon City na binubuo ng Liberal Party (LP) stalwarts, “Hyatt 10,” at iba pang sumuporta sa Noynoy-Mar ticket.

Ang Samar group naman o ang Aquino-Vice President Jejormar “Jojo” Binay supporters ay nagmula sa campaign headquarters sa Samar Avenue, Quezon City at diumano’y pinangungunahan ito ni Executive
Secretary Paquito “Jojo” Ochoa.

Ang iringan ng dalawang grupo ay muling nabuhay nang tangkain diumano ni Puno na i-raid ang opisina ng yumaong DILG Secretary Jesse Robredo at ang imbestigasyon nito sa kontrata ng 120 M4 assault rifles maging ang pagbili sa 60,000 pistols para sa Philippine National Police (PNP).

Si Puno ay sinasabing kabilang sa Samar group at diumano’y isinulong ni incoming DILG secretary Roxas na matanggal sa pwesto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply