Iringang Enrile-Trillanes, huhupa rin – Honasan

IPINAHAYAG ngayon ni Senator Gregorio “Gringo” Honasan na malaki ang kanyang pag-asa na huhupa rin ang iringan sa pagitan nina Senate President Juan Ponce Enrile at Senator Antonio Trillanes III.

Sinabi ni Honasan na hindi maaaring husgahan sina Enrile at Trillanes dahil mayroon silang sariling pangangatwiran.

Sinabi pa ni Honasan na bagamat mayroong mga standard hinggil sa papaano dapat makikisalamuha sa kapwa senador ay hindi naman pare-pareho ang haba ng pasyensya ng bawat isa.

Umaasa naman si Honasan na sa tamang panahon ay huhupa din ang tensyon sa pagitan ng dalawang senador.

Samantala, ipinahayag Honasan na bagamat nagkaroon ng ilang paglabag sa mga karapatang pantao, mayroon din magandang naidulot ang Batas Militar tulad ng pagkakaroon ng disiplinadong mamamayan.

Binigyang diin ni Honasan na kasama sa mga aral na dapat matutunan sa Martial Law ay ang pagpapahalaga sa kalayaan at ang patuloy na pagkilos tungo sa kaunlaran at pangmatagalang kapayapaan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply