Biktima pa ng torture couple lumutang

ISA pang biktima ng umano’y pananakit ng mag-asawang Reynold at Annaliza Marzan ang lumutang sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Base sa pahayag ni Attorney Percida Rueda-Acosta, lumutang sa kanilang opisina si “Evalyn” (hindi tunay na pangalan) at inirereklamo ang mag-asawa sa pagmamalupit sa kanya.

Nabatid na naunang namasukan si Evalyn sa mga Marzan bago ang unang nagreklamo ng pananakit na si Bonita Baran,, na kapwa tubong-Virac, Catanduanes.

Ayon pa sa salaysay ng biktima, 14 anyos siya nang mag-umpisang manilbihan sa mag-asawa at nakaranas ng pananampal at pangungurot ng mga ito.

Sa tuwing magkakamali umano siya ay pinaiinom din aniya siya ng mga Marzan ng isang galong tubig.

Kaugnay nito, ipinahayag ni Acosta na malaki ang maitutulong ng paglutang ni Evalyn sa kaso ni Baran kaugnay ng kapasidad ng mga suspek na manakit ng kasambahay.

Nais niyang maisailalaim muna si Evalyn sa witness protection program (WPP) bagama’t hindi niya nakumpirma kung may natatanggap itong banta sa buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply