Isa pang graft case vs N. Ecija gov isinampa

SINAMPAHAN muli ng isa pang graft charges ang incumbent Nueva Ecija Governor Aurelio Umali dahil naman sa over price equipment na pang-labing-anim na kasong katiwalian na isinampa laban sa nasabing opisyal.

Si Umali ay kinasuhan ng P58 milyong heavy equipment scam sanhi ng maling paggamit ng pondo ng local government sa pagbili ng 6 na dump trucks, 1, pay loader, at 1 excavator.

Sa isang 13-pahinang reklamo na isinampa sa Office of the Ombudsman noong Agusto 6, 2012, sinabi ni dating  Nueva Ecija Governor Tomas Joson III na inaprubahan ni Umali ang pagbili ng 8 heavy equipment, na may halagang P30 milyon, pero kinargahan ang presyo nito at ikinasang P58 milyon.

“Mahabang proseso bago namin isinampa ang kasong ito. Ayaw naming magkamali kaya nagtanong-tanong kami at nag-imbestiga. Sa aming kuwenta, nag-canvass kami, wala pang P30 million dapat ang purchase ng mga equipment, meaning may patong sila dito na P28 million” pahayag ni Joson.

Sinabi pa ni Joson na habang nakasaad sa batas na ang direct import lamang ang pinapayagang bumili mula sa  manufacturer o exclusive manufacturer, lumabas sa dokumento ni Umali na direkta itong nangumisyon sa isang Seoul-based Korean company, na Shin Heung Corp., na isang trading firm para magdeliber ng nasabing mga traktora sa mas malaking halaga.

“Hindi pa ito ‘yung pinakamagandang brand, hindi pa ito yung top [of the line]. How come pumalo ng ganito ang presyo ng purchase,” dagdag pa ni Joson.

Sinabi pa ng dating gobernador na may sapat silang mga dokumento para patunayan na may hokus pokus ang kasalukuyang gobenador.

Napansin din ni Joson na panglabing anim na kasong  graft na ito ni Umali, subalit ni isa ay wala pang isinasampa ang Ombudsman

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply