Pasay LRT, MRT stations pinalalagyan ng emergency booth

UPANG matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero, isang ordinansa ang isinumite ngayon sa Pasay City Council na layong pilitin ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 at Metro Rail Transit na maglagay ng ’emergency at first aid booth’ sa mga istasyon na nasasakupan ng naturang lungsod.

“An ordinance mandating all LRT/MRT stations in the territorial jurisdiction of the city of Pasay with first aid medical assistance personnel equip with emergency oxygen apparatus to cater to passengers falling ill due to overcrowding or other causes,” bahagi panukalang ordinansa ni Councilor Richard Advincula.

Sinabi ni Advincula na napapansin niyang napapabayaan ng pamunuan ng LRT at MRT ang kaligtasan ng mga pasahero nila kung saan ilan ang nasusugatan habang marami sa mga matatandang pasahero ang minsa’y hinihimatay dahil sa tindi ng pagsisiksikan.

May dala naman umanong first aid kit ang mga guwardiya ng MRT at LRT ngunit hindi naman eksperto o kulang sa kaalaman ang mga ito sa pagbibigay ng first aid treatment sa mga pasyente.

Sa oras na maipasa at mailathala sa mga pahayagan, ang General Manager ng LRT o MRT ay papatawan ng multang hanggang P2,000 o pagkakulong ng hanggang dalawang buwan kapag mapatunayang lalabag sa naturang ordinansa.

Kabilang sa mga istasyon na sakop ng lungsod ng Pasay ang LRT Gil Puyat station, Libertad Station at EDSA-Taft Station habang sa MRT ay ang EDSA-Taft Station.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply