Istruktura ng mga bahay, gusali ipasuri – Palasyo

UMAPELA ang Malakanyang sa publiko na ipasuri ang istraktura ng kanilang mga bahay habang ang mga employer naman ay i-check ang kanilang mga tanggapan para matiyak na ligtas sa lindol.

Panawagan ito ng Malakanyang sa taumbayan matapos na tamaan ng lindol ang lalawigan ng Eastern Samar, ilan pang bahagi ng Visayas, Mindanao at Bicol region kamakalawa, Agosto 31.

“Ang disaster preparedness really starts with their family as well. So check po natin‘yung structure po ng bahay ay maayos, meron bang mga kailangang kumpunihin, meron po ba kayong mga family protocols in place kapag nagkakaroon po ng ganitong sitwasyon. Alam po ba ng mga miyembro ng ating pamilya kung ano ‘yung gagawin kung magkaroon po ng malakas na lindol. So ‘yon po ‘yung ating laging ina-advocate that the preparedness also starts at home,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Kaugnay nito, matagal nang sinimulan ng DPWH na i-check naman ang mga istraktura ng gobyerno.

Kaya nga aniya may ilang tanggapan ng pamahalaan ang kapansin-pansin na inaayos ngayon.

“Meron po tayong mga several offices that are moving out temporarily dahil nire-retrofit at nire-rehab po ‘yung mga kanilang building to make it safe lalo ho the ones that the public has access to. Also in the aftermath of the earthquake in Japan, pinasabihan na rin po natin ‘yung mga local government units natin na i-check po ‘yung mga buildings in their jurisdiction para siguraduhin naman din po na kung ano ho ‘yung mga puwedeng magawa to prepare or in the event na magkaroon ho ng ganitong lindol,” anito.

LAKING pasasalamat ng Malakanyang dahil hindi malala ang epekto ng lindol na tumama sa Eastern Samar kahapon.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, bahala na ang eksperto na magpaliwanag sa publiko kung bakit “malamya” ang epekto ng lindol na tumama sa nasabing lalawigan.

“Yung mga eksperto naman po ‘yung makakapagsabi kung ano ho ‘yung mga dahilan kung bakit ‘yung damage ay nandoon lang sa ganiyang punto,” anito.

Sa kabilang dako, naging maagap naman ang gobyerno sa pagpapalabas ng tsunami alert kaya’t kahit wala pa ang pinangangambahang tsunami ay handang-handa naman ang pamahalaan sa aspetong ito.

“We observed protocols. The protocols were followed so na-alert po, the people who should have been alerted. Nakita naman po natin na ‘yung mga governor nag-initiate na po sila agad ng kanilang evacuation procedures. Naibigay po nang maayos ‘yung impormasyon na dahil po… Nagsimula po ‘yung lindol, kung hindi po ako nagkakamali, sa may Samar, 8:47, tapos meron pong 8:50. So naramdaman na po doon sa buong eastern—on most of the eastern seaboard of the country. So nagtuloy-tuloy po ‘yan, na-alert po ‘yung mga governor, ‘yug mga mayor nung mga coastal town at mabilis po ‘yung kanilang response. So, so far, so good naman po tayo. Naghihintay din po ang NDRRMC sa pagpasok nung mga update mula po kagabi, mula po nung naibaba ‘yung tsunami alert at umaasa din po tayo na the damage will remain minimal,” aniya pa rin,

Sa ulat, labis na ipinagpapasalamat naman ng mga residente sa Eastern Samar ang kanilang kahandaan kaya naiwasan ang mas malaking pinsala at mas maraming casualties sa malakas na paglindol kamakalawa ng gabi sa kanilang lugar.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Dir. Perry Balasi, kaagad silang nakapag-evacuate nang itaas ang tsunami alert.

Aniya, sa kasagsagan ng lindol, kahit takot at kinakahaban ay nanatili ang ‘presence of mind’ ng mga mamamayan.

Kasabay nito, nakuwento rin ni Balasi ang sariling karanasan kasama si Eastern Samar Gov. Conrado Nicart habang nagkakalindol.

May nangyayari umanong inter-agency night nang biglang lumindol pero nanatili umanong kalmado ang gobernador at inatasan ang mga kinauukulang opisyal para sa evacuation.
Sa lakas umano ng pagyanig, mistulang nakakabagyo sa labas dahil sumasayaw ang mga punongkahoy, umuuga ang mga kisame at ramdam ang pagsayaw ng mga istruktura.
Sa kasalukyan, nasa tatlong tulay sa lalawigan ang nasira at hindi passable ngayon habang patuloy pa ang pag-iiikot ng PDRRMC para malaman ang iba pang pinsala ng lindol.

Samantala, inatasan ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga ahensiya ng pamahalaan na may kaugnay sa aspetong ito na agad na ibigay ang mga pangangailangan ng mga residenteng apektado ng malakas na paglindol kagabi sa silangang bahagi ng bansa.

Partikular na niyanig ang Eastern Samar, ilan pang bahagi ng Visayas, Mindanao at Bicol region.

Ayon naman kay DSWD Sec. Dinky Soliman, agad kumilos ang kanilang mga regional offices at nakipag-ugnayan sa mga tinamaang mga bayan.

Sinabi ng Kalihim na agad silang naghanda ng mga relief goods para mai-deliver sa mga inilikas.

Una ng ipinag-utos ng Pangulo kay Defense Sec. Voltaire Gamin na tutukan ang evacuation ng mga apektadong mamamayan para maiwasan ang anumang gulo o problema.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply