Isumbong mo sa MetroSolusyon!

PARA mas mapabilis at mapadali ang pagrereklamo ng mga motorista, naglunsad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng isang website na tinawag nila na MetroSolusyon na makikita sa www.metrosolusyon.mmda.gov.ph, kung saan maaari mo ng isumbong lahat ng mga katiwaliang nangyayari sa kalsada.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na panahon na para hindi na magtago ang bawat Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon sa mga opisyal sa pagpapadala ng mga text message at hindi magsabi ng kanilang pangalan o magbigay ng personal na impormasyon sa tuwing nagsusumbong ng mga anomalyang kanilang nasasaksihan.

Sa pamamagitan ng MetroSolusyon, makakukuha na ang MMDA ng kumpletong report o impormasyon sa matatanggap nilang report upang mabigyan rin nila ito ng agarang aksyon.

Para makapagbigay ng report, kailangan mo munang mag-register sa nasabing website. Hihingin sa site ang iyong buong pangalan o pangalan ng nagrereklamo, kaso o illegal na aksyon na iyong nasaksihan o naranasan at picture or video bilang patunay. Kapag natapos ito maglalabas ang site ng isang reference number bilang patunay na natanggap ng ahensya ang iyong report. Lalabas din ang iyong reklamo sa “Read Reports” ng site.

Ang MetroSolusyon ay isa lamang kasangkapan upang matulungan ang mga motorista na mabibiktima o nabiktima ng katiwalian ng mga MMDA personnel o ibang pang opisyal galing sa ibang ahensya.

Ayon kay MMDA Chairman Tolentino, ang pangunahing batayan ng Metro Solusyon website is Ako Kasama sa Solusyon.

“I am urging the public to report complaints/incidents involving MMDA employees, laud or commend a good deed done by our personnel, and suggest possible solutions to the problems of Metro Manila”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply