ITCZ magpapaulan sa bansa

PATULOY pa na makararanbas ng pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa bagama’t wala nang umiiral na low pressure area (LPA) o namumuong sama ng panahon sa loob ng Philippine area of responsibility.

Ang pag-ulan ay bunga ng  Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) o ang pagsasanib ng hangin mula sa Hilagang Silangan at Timog Kanluran na siyang nagbubuo ng kaulapan na nagdadala ng mga pag-ulan.

Dahil dito, makararanas ng bahagya hanggang sa madalas na maulap na papawirin ang kanlurang bahagi ng Visayas at Mindanao gayundin ang Metro Manila na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Ang agwat ng temperatura sa Kamaynilaan ay aabot sa 24 hanggang sa 32 antas ng sentigrado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply