Ivory ban kinikilala ng simbahan

KINIKILALA ng Simbahang Katoliko ang ipinatutupad na ivory ban ng pamahalaan at mariin din nitong kinukondena ang pagpupuslit ng ivory.

Ito ang pagtiyak na ginawa ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Cebu Archbishop Jose Palma matapos na masangkot ang pangalan ni Monsignor Cristobal Garcia sa illegal ivory trade.

Aminado naman si Palma na noong araw ay isa ang ivory sa mga materyales na ginagamit sa pag-aadorno sa mga liturgical worship at paggawa ng mga imahe ng mga santo, ngunit sa kabila nito ay hindi aniya pinapaboran ng simbahan ang ivory smuggling at iba pang illegal na aktibidad hinggil dito.

Nilinaw rin ni Palma, na co-signatory sa “Free Mali” movement ng PETA, na ang mga artifacts ng simbahan na gawa sa ivory ay matagal na panahon nang ginawa o bago pa man ipatupad ang ivory ban.

Iginiit rin ni Palma na bago husgahan si Garcia ay dapat na isaalang-alang din ang karapatan nito sa isang patas na pagdinig.

Tiniyak rin nito na ang kaso ni Garcia ay iniakyat na nila sa Holy See, na nagsagawa na ng imbestigasyon hinggil dito, bago pa man pumutok ang kasalukuyang kontrobersiya laban sa kanya.

“The account given by National Geographic Magazine needs to be assessed as to its veracity, considering that the article smacks of bias against religious practices,” ani Palma.

“While it is true that icons are venerated by us because through them we are able to tangibly express our faith in God and our devotion to the saints, in no way does the Church teach that these icons are in fact God Himself or the saints themselves. Any encouragement promoting such idolatry is contrary to Church belief and must be purified,” paglilinaw pa ni Palma.

Nananalangin rin si Palma, sa pamamagitan ni Blessed Pedro Calungsod, na lalo pang palalakasin ng Panginoon ang mga mamamayan upang manatiling matatag sa pananampalataya, maging masigasig sa pagsasaliksik ng katotohanan, patas sa paghahanap ng katarungan at mapagbigay sa lahat ng paraan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply