IWRM at CCA seminar sa Metro Vigan isinagawa

ISINAGAWA ng National Water Resources Board (NWRB) ang “Seminar on Integrated Water Resources Management (IWRM) and Climate Change Adaptation (CCA)” na ginanap sa Nueva Segovia Consortium of Cooperatives (NSCC) Plaza, Caoayan (Metro Vigan) sa Ilocos Sur.

Ayon kay NWRB Executive Director Vicente S. Paragas, ang layunin ng naturang seminar ay upang itaguyod ang pagkaunawa sa ating mga yamang tubig at ang pagbabago ng panahon; itaas ang kamalayan ng publiko sa mga mahahalagang tungkulin ng NWRB; maibahagi ang mga kasanayan at karanasan ukol sa IWRM; at maging pa-milyar sa mga stakeholder ang nauukol sa Water Code of the Philippines at mga inamyendahang Implementing Rules and Regulations (IRR).

Ang mga nakibahagi sa seminar ay mula sa iba’t ibang sektor ng Rehiyon 1–5 at ang Cordillera Administrative Region (CAR), water district (WD) at non-government organization.

Ang Provincial Board member Jeremias Crisologo Singson, kapatid ni Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson ay nagbigay ng impormasyon at update ukol sa nangyaring kalamidad kamakailan na nagdulot ng paghihirap at pasakit sa maraming tao at ang malawakang degredation ng mga tubig kanlungan at river basin at kanyang idiniin na mahalagang malaman kung paano ang wais na paggamit ng ating yamang tubig, kung paano ito aalagaan at paano ito pangangalagaan mula sa unti-unting pagkasira.

Binigyang-diin ni Executive Directot Paragas na kinakailangang ng proteksyon sa mga tubig kanlungan at sa kasalukuyang kalagayan tungo sa pagkasira ng ilang mahahalagang ilog sa bansa, kung saan ang ilan ay kung “hindi napakarumi” ay “patay na: o “wala ng buhay”.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply