Jail guard sa NBI shootout, kinasuhan na

KINASUHAN na sa City Prosecutors Office ang jail guard na nakabarilan at nakapatay sa isang ahente ng  National Bureau of Investigation (NBI) .

Ayon kay NCR-NBI Assistant Director Ruel Bolivar, piskalya na ang bahala sa criminal cases ng jail guard na si Jail Officer Oscar Cabebe.

Sisiyasatin naman ng NBI-Internal Affairs Division ang kanyang kasong administratibo.

Ginawa ng ahensya ang aksyon alinsunod sa kautosan ni Justice Secretary Leila de Lima na imbestigahan ang naganap na barilan sa loob  ng compound ng NBI.

Matatandaan na nagtalo si Cabebe at ang nasawing si Special Investigator III Honorato Ocampo dahil lamang sa isang preso na itu-turn over .

Nauna nang nagbigay ng direktiba si de Lima kay NBI Director Nonatus Rojas na resolbahin at imbestigahan ang naganap na barilan sa NBI.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply