Jam steps para sa healthy lifestyle inilunsad

MISMONG sina Health Secretary Enrique Ona at Regional Director Eduardo Janairo ng Department of Health Center for Health Development – National Capital Region (DOH CHD-NCR) ang nagsagawa sa aerobic dance exercise campaign na tinatawag na “Jam Steps” upang isulong ang healthy lifestyle sa mga Pinoy at tulungan silang makaiwas sa Non-Communicable Diseases (NCDs).

Katuwang ng DOH sa naturang programa na ginanap sa Quezon City Elliptical Circle, ang Metro Manila Integrated Non-Communicable Disease Program Coalition (MIND-PC).

Ayon kay Ona, dapat na maituro sa mga kabataan ang pagkakaroon ng healthy lifestyle upang mailayo sila sa mga bisyo, tulad ng paninigarilyo, na nagiging sanhi ng maagang pagsisimula ng mga smoking-related NCDs.

Sinabi naman ni Janairo na idinaos nila ang aerobic dance exercise bilang suporta rin sa pagpasa ng Sin Tax Bill.

Ipinaliwanag ni Janairo na sa sandaling maipasa ang naturang batas ay makapagbibigay ito ng mas malaking pondo para sa mas epektibong implementasyon ng mga national program para sa NCDs prevention and control.

“Instead of leading a marching protest and shouting in the streets, we will air our concern through the innovative dance exercise called “Jam Steps” to draw interest and invite people to join us to promote healthier lifestyle to all,” ani Janairo.

Ang Jam Steps aerobic dance exercise ay binuo at sinayaw ng “Ang Batang Pinoy Movement” sa Bacolod City.   Maaari itong ihalo sa iba pang uri ng ehersisyo at madaling ituro sa mga kabataan upang maging advocates sila ng healthy lifestyle sa kanilang batang edad.

“By instilling the importance of healthy living and involving our children to make healthier preferences, many chronic diseases can be slowed or prevented in the future,” paliwanag pa niya.

Batay sa pagtaya ng World Health Organization (WHO), ang NCDs ang responsable sa 70% ng pagkamatay at 60% ng disease burden sa 2020.

Sa Pilipinas naman, iniulat ng 6th National Nutrition and Health Survey noong 2003 na 90% ng mga Pinoy ang dumaranas ng isa o higit pang risks factors ng NCDs tulad ng smoking, hypertension, obesity, diabetes, cancer, chronic obstructive pulmonary disease (COPD) at physical inactivity.

Ayon sa DOH, ang hypertension at heart diseases ang pang-lima at pang-anim na pangunahing sanhi ng morbidity sa bansa.

Ang mga lifestyle-related diseases naman tulad ng cardiovascular diseases, COPD, diabetes, cancer at kidney disorders ay kabilang sa pangunahing sanhi ng pagkamatay sa bansa sa ngayon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply