Jamby Madrigal pasok sa kuwadra ng LP

PORMAL nang nanumpa si dating senador Maria Ana Consuelo Abad Santos Madrigal o mas kilala bilang Jamby Madrigal para maging miyembro ng Liberal Party at isa sa mga senatoriable na isasabak ng Liberal-Nacionalista coalition sa 2013 elections.

Tiniyak ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) Secretary Ricky Carandang na opisyal nang kinupkop ng ruling party ang dating mambabatas.

Si Madrigal ay nasa ilalim ng Bangon Pilipinas Movement party ay opisyal nang kasama sa pamilya ng Liberal Party.

Sa kabilang dako, palaisipan naman hanggang ngayon kung si MTRCB chair Mary Grace-Poe Llamanzares, Senador Loren Legarda at Chiz Escudero ay kasama na rin sa kuwadra ng LP.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply