Janitor na seloso nagbaril sa sarili sa simbahan

LABIS  na pagseselos ang sinasabing dahilan ng pagbaril sa sarili ng 27-anyos na janitor-caretaker sa  loob ng “mens quarter” ng  simbahan sa Sta. Cruz, Maynila kagabi.

Dead on the spot si Leo Sambilan, janitor-caretaker ng The Church in Manila, isang Christian church sa 1007 Ongpin St. Sta. Cruz, Maynila.

Sa report, naganap ang insidente alas-11 kagabi.

Ayon kay Antonio Sambilon, bago naganap ang insidente  ay dumating ang biktima na lasing.

Tinanong pa niya ang biktima kung kumain na tumango lamang saka dumiretso sa kanilang kuwarto

Ilang minuto ang nakalipas, habang naglalatag ng pinamiling gulay si Sambilon sa refrigerator ay bigla na lamang niyang narinig ang putok ng baril kaya agad niyang tinungo ang kinaroroonan ng biktima na noon ay umaagos na ang dugo sa sentido.

Nang siyasatin ang nilalaman ng cellphone ng biktima, nalaman na sobrang pagseselos ang naramdaman nito sa isang nagngangalang “Ivy,” na hinalang nag-udyok sa biktima para magpakamatay.

Nakuha naman sa tabi ng biktima  ang .38 kalibre ng baril na ginamit ng biktima sa pagpapatiwakal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply