Japan hinagupit na ni ‘Sanba;’ Korea next

HINAHAGUPIT na ng Typhoon Sanba ang Japan, ayon sa ulat kaninang umaga ng Japan Meteorological Agency (JMA).

Sa pinakahuling ulat ng JMA kaninang umaga (Setyembre 16), binabayo na ng malakas na pagulan na may kasamang matinding hangin ang southwest ng Okinawa, Japan.

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pa namang natatanggap na masamang balita ang JMA hinggil sa pananalasa ng Typhoon Sanba.

Ang Typhoon Sanba ay ang typhoon “Karen” din na dumaan sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at lumabas nitong Sabado ng madaling araw.

Pagkatapos manalanta sa Japan, isusunod naman bayuhin nito ang South Korea sa loob ng 24 hanggang 36 oras.

Magugunitang ilang bahagi ng bansa ang inabot ng ulan, kabilang na ang Metro Manila na binaha dahil sa hatak ng bagyo na hanging habagat o monsoon rains.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply