JBC dapat nang buwagin – Enrile

DAPAT buwagin na ang Judicial and Bar Council  (JBC) alinsunod sa Saligang Batas na inatasang sumala sa mga itinatalaga sa hudikatura.

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, kung siya ang masusunod, ang trabaho ng JBC ay dapat ibalik sa Commission on Appointments  (CA) gaya ng nakasaad sa 1935 Constitution.

Dagdag ni Enrile, matino noon ang pamahalaan dahil lahat ng presidential appointees kabilang ang mga bureau director, prosecutor at school superintendent ay dumadaan sa (CA) kasama ang kanilang promotions.

Ayon sa senador, ito umano ay dahil sa Kongreso ang accountability ng mga appointee hindi tulad ngayon na ang mga itinatalaga ay sa kanilang Department head lamang mananagot.

Ang 25-man CA ay binubuo ng 12 mula sa Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso at tumatayong chairman ang senate president.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply