JBC: Retiradong abogado pwede mag-aplay na maging huwes

TUMATANGGAP ng mga aplikante ang Judicial and Bar Council (JBC) ng mga retirado na o nasa edad 65 para maging huwes.

Inihalimbawa ni Integrated Bar of the Philippines (IBP) Representative Atty. Milagros Fernan-Cayosa si Retired Public Prosecutor Mila Lapaiero na nais mag-apply sa bakanteng sala sa lalawigan ng Leyte.

Ipinaliwanag ni Cayosa na uubra ang mga ganitong sitwasyon sa mga lugar sa labas ng Metro Manila at kakaunti lamang ang nakabinbing kaso.

Ayon pa kay Cayosa, karaniwang pumapasa at nakalulusot sa nomination process ang mga hindi pa retiradong aplikante dahil mas malaki ang maitutulong ng mga ito sa pagbabawas ng mga nakabinbing kaso.

Base sa record, may ilang lagpas 65 taong gulang ang naitalagang huwes sa iba’t ibang korte.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply