‘Jeproks’ sa kapulisan, ipinagbabawal ni Espina

BUKOD sa tinuruan na maging magalang, ipinagbabawal naman ngayon ni bagong Metro Manila Police head Chief Superintendent Leonardo Espina na maging mukhang ‘jeproks’ o ‘laid back’ ang kanyang mga tauhan.

Sinabi ni Espina na nais niyang maging maayos ang itsura ng kanyang mga tauhan at hindi maging magmukhang adik na popular noong dekada 1970s kapag humaharap sa publiko.

Kaya naman ipinagbawal na agad kaninang umaga  sa mga Metro Manila police personnel na huwag magmukhang jerpoks kung ayaw nilang magalit ang kanilang bagong boss.

Partikular na sumisimangot si Espina sa mga police personnel na may mahabang buhok, balbas at bigote at may kulay o highlights sa kanilang buhok.

Iniupo si Espina sa Metro Manila police post nitong Setyembre 7, pinalitan si Director Alan Purisima.

Ilang sandal lamang matapos makapuwesto bilang National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, iniutos ni Espina sa kapulisan na maging magalang kapag humaharap sa publiko, gumamit ng “po” at “opo” para makuha ang tiwala at respeto ng mamamayan.

Iniutos din agad nito sa kapulisan na huwag isilbi ang arrest warrant laban sa mga miyembro ng Fourth Estate sa araw ng Biyernes hanggang Linggo para hindi mairehas ng ilang araw dahil walang pasok ang piskalya sa mga araw na nabanggit.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply