Jeric Medina sinipa na sa X Factor Philippines

TULUYAN nang pinauwi ng X Factor Philippines si Jeric Medina mula sa Boys Category (under 25s) ni mentor Martin Nievera.

Ikinagulat ng audience sa PAGCOR Theater ang resulta ng tanggalan kagabi kung saan natanggal nga si Jeric na madalas na most search sa internet at hinuhulaang makakalaban ng isa pang favorite ng televiewers at netizens na si KZ Tandingan.

Sa elimination night kagabi, nagkaroon muli ng deadlock dahil nakakuha ng 2-2 votes si Jeric at ang kasama sa bottom 2 na Daddy’s Home mula sa Group Category ni mentor Gary Valenciano.

As expected, binoto ni Gary V na mapauwi si Jeric habang si Martin ay piniling mapauwi ang Daddy’s Home.

Pinili naman ni Pilita Corrales na pauwiin ang Daddy’s Home habang si Charice ay si Jeric.

Dahil dito, ni-reveal ang resulta ng botohan at lumabas na mas mataas ang botong nakuha ng Daddy’s Home (19.63%) kaysa kay Jeric (16.74%) na tuluyang nasipa.

Samantala, magpapatuloy naman ang Top 4 na kinabibilangan nina KZ, Allen Sta. Maria, Gab at Daddy’s Home sa susunod na linggo tungo sa nalalapit na grand finals.

Abangan!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply