Jinggoy: Kasambahay bill maipapasa bago matapos ang 2012

UMAASA Si Senador Jinggoy Estrada na magiging batas bago matapos ang 2012 ang kasambahay bill na pinagtibay na rin ng mababang kapulungan ng kongreso.

Ayon kay Estrada, chairman ng senate committee on labor, kakausapin niya ngayong Linggo ang counterpart nito sa kamara na si Northern Samar Congressman Emil Ong para itakda ang bicameral conference committee meeting upang pag-isahin ang magkakaibang versions ng panukalang batas ng Senado at Kamara.

Sa version ng Senado, ang mga kasambahay sa metro manila ay tatanggap ng 2,5oo bawat buwan, ang mga nasa 1st at 2nd class municipalities sa mga probinsya ay P2,000 habang P1,500 sa mga nasa 4th hanggang 6th class municipalities.

Sa version ng Kamara, P3,000 ang tatanggapin ng mga nasa Metro Manila, P2,ooo sa malalaking lungsod sa mga lalawigan habang 1,500 sa mga nasa 3rd hanggang 5th class municipalities.

Alinsunod sa panukalang batas, tatanggap na ng 13th month pay ang may dalawang milyong kasambahay sa buong bansa at obligado na rin ang mga ito na maging miyembro sa Philhealth, SSS, Pag-ibig at employees’ compensation commission na ang monthly contributions ay sasagutin ng mga employer.

Sakaling maging batas, ang mga lalabag na employer ay mahaharap sa kasong paglabag sa labor code.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply