JM De Guzman at Jessy Mendiola 1 year nang mag-on

SO, nakatatawa naman ang balitang binasted raw ni Jessy Mendiola itong si JM de Guzman kaya nagwala ang actor sa isang event dahil nakainom at nakasira pa raw ng mamahaling paintings.

On our part, matagal kaming nanahimik ukol sa real score sa matagal ng relasyong namamagitan dito kina Jessy at JM dahil na rin sa pakiusap ng mga taong nagmamahal sa mahusay na actor(JM).

Pero ngayong hinahambalos na ng kung anu-anong paninira itong si JM, aba’y kung noon ay tinitikom namin ang aming bibig at di namin sinusulat ang buong katotohanan sa naturang isyu dahil iniingatan nga ni JM ang image ng labs na si Jessy, ngayon siguro, panahon na para ilantad kung ano talaga ang katotohanan sa likod ng istoryang ito.

Kawawa naman kasi si JM. Pinagtatakpan na nga niya ang pagsasalita ng against sa kanya ni Jessy tapos siya pa ang pinalalabas na bad aba’y hindi na po tama ‘yan.

Sa aming pagkakaalam, nasa one year na ang relasyon nang dalawa at maganda naman ang kanilang samahan dahil sobrang mahal nga ng una ang huli, dineadma na lang nito ang pagkaka-link ng kanyang girlfriend noon sa leading-man nito sa Budoy na si Gerald Anderson.

May pagkakataon pa nga na sa isang party kahit na galit na galit na ang actor dahil sa nakita nitong hinalikan ng “smack” ni Gerald si Jessy dahil medyo nakainom na ang young actor, kahit masakit, pilit na lang na inunawa ni JM ang lahat para sa kapakanan ng nobya na imbes na magpasalamat ngayon sa kanya ay siya pa ang pinalalabas na KSP.

Excuse me, si JM pa ang kulang sa pansin samantalang ikaw itong nakikitang madalas dumadalaw sa kanyang condo na katabi lang ang TJ’s Bar and Resto na pag-aari ng character actress na si Slyvia Sanchez at malapit lang sa ABS-CBN? Sana, i-zipper mo na lang ‘yang bibig mo, girl, kung wala ka namang magandang masasabi.

Labs ka pa naman sana namin ni BFFT Pete A dahil tuwing nakikita ka namin ay always smiling ka sa amin.

‘Yun pala, wala kang paninindigan lalo na sa lalaking nagmahal sa iyo nang lubos na si JM de Guzman. At huwag mag-deny at papangit ka girl. Period (peram amigang Pete) at walang comma gyud!

***

Angel Aquino, lucky charm ni Cesar Montano sa dramatic thriller movie na BIKTIMA

ASIDE sa The Mistress nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na humahamig na ng more than 100 million sa takilya  at Amorosa ni Angel Aquino na surprise hit talaga, base sa feedbacks na aming nakukuha lalo na sa maraming tagahanga pa rin ni Cear Montano na sabik at gusto uling mapanood ang idol nila sa big screen, siguradong tatangkilikin rin ng mga ito ang latest dramatic thriller movie nina Cesar at Angel Aquino na Biktima na showing na sa mga cinemas nationwide starting Wednesday.

Aside kay Angel na magsisilbing “lucky charm” ni Buboy sa nasabing film, pagsamahin mo ba naman ang dalawang nabanggit na magagaling na artista plus ang nag-direk nito ay hindi lang kaibigang matalik ng aktor kundi marami na ring achievements sa TV and film making lalo na sa part ng Visayas at Mindanao na si Direk RD Alba na nakatrabaho na ni Cesar sa Panaghoy sa Suba noong 2004 bilang Associate Producer ng pelikula.

Lumabas rin ang action star/producer(Cesar) sa two episodes ng top-rating na Visayan Teleserye na “Kapalaran” na umere noong 2002 hangang 2004.

Rito naman sa Biktima, napapanahon ang tema ng pelikula tungkol sa isang babaeng TV reporter na si Alice dela Cruz na ginagampanan ni Angel Aquino na wife ni Mark na pino-portray naman ni Cesar. Dahil sa gustong magtagumpay sa kanyang propesyon ay sumuong si Alice sa isang TV news coverage sa isla ng Kamandao sa Bohol.

Sa gitna ng pag-atake nang mga rebelde, naglahong parang bula si Alice at pinaniwalaang namatay sa naturang pagsalakay ng mga grupong kontra sa gobyerno. Sa tindi ng pangungulila ng kanyang mister, nabaling ang pansin nito sa kaibigang matali ng kanyang misis na si Sandra as played by Mercedes Cabral.

Pagkatapos ng anim na buwan ay matatagpuan si Alice ngunit hindi na siya tulad ng dati. Ang kalupitan at trauma na kanyang dinanas sa piling ng mga taong humalay sa kanya ay magiging dahilan upang lalong maging masali- moot ang buhay ng mag-asawang sinubok nang mga pangyayaring wala na sa kanilang kontrol.

Very timely ang naturang quality maindie (mainstream indie) film na pinagtulungang i-produce ng Alba Productions at CM Films na distributed naman ng #1 movie outfit sa bansa, ang Star Cinema.

May special participation pala rito ang magandang misis ni Cesar na si Sunshine Cruz. So, watch for it gyud!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply