Jose Manalo, ayaw maging kissing comedian

AYAW talaga magkaroon ni Jose Manalo ng mga kissing scene sa kanyang mga pelikula. Hindi raw naman siya pinanonood para makipaghalikan.

Pinanonood siya dahil sa kanyang pagpapatawa, bukod pa sa hindi siya kumportable sa halikan lalo na sa leading lady niya na kasing ganda at seksi ni Solenn Huessaff.

Walang magawa si Jose na hindi matuloy ang kanyang pakikipaghalikan.

Ayon kay Jose nang na meet namin sa last shooting day ng Ikaw Na Da Best Ka, talagang nasa script ang kissing scene at sadyang kailangan dahil may sakit siyang nanginginig pag katabi ang babae na bunga ng kanyang past experience sa chick na siya’y natanggihan sa istorya ng pelikula.

Pero kung si Jose ang tatanungin, gusto niyang maging wholesome lagi ang mga romanti- kong tagpo niya sa movie.

As much as possible, ayaw niya ng mga halikan sa kanyang leading lady. Hindi raw siya kumportable lalo na’t ang partner niya ay kasing ganda at seksi ni Solenn.

Parang asiwa raw siya pero nagawa rin nila ang eksena pag katapos ng apat na beses na pagsubok sa takbo ng kwento ng comedy movie.

Ayon kay Jose, ang katulad niyang comedian ay nakikipaghalikan lang dahil ito’y nasa script. Sadyang kailangan sa istorya tulad nang nangyari sa kanila ni Solenn.

Role niya ang pagiging woman hater pagkatapos siyang biguin ni Pokwang sa panliligaw niya sa istorya. Ang tulay nila sa panliligaw na si Wally ang siyang nakatuluyan ni Pokwang sa pelikula.

Dahil sa pagkabigo ni Jose, nanginginig na agad siya pag may nakakalapit na babae at nawawala lang ito kapag may nakahalikan siyang chick. Natupad ito kay Solenn kaya laking tuwa niya sa nangyari.

Pero kung wala sa script ang halikan ay sadyang hindi gagawin ni Jose.

Samantala, si Wally Bayola naman ay first time na magkaroong ng partner sa movie sa katauhan ni Pokwang. Hindi basta partner dahil ikinasal sila at nagsamang mag-asawa pa.

Kahit may bedscene sina Pokwang ay Wally, ginawa pa rin itong katatawanan sa pelikula. Panay harutan lang ang kanilang gagawin kaya matutuwa ang audience. ‘Yun nga lang, walang magaganap na halikan.

Iba rin ang pakiramdam ni Wally kung may ka-love team siya. Parang natatakot siya na hindi raw niya mawari. Basta sa kanya ay kontento na siya sa pagpapatawa.

000

IBAYONG paghahanda ang ginawa ng Masculados 2 para sa celebration ng kanilang 10th year sa showbiz. Bilang handog sa kanilang fans, may bagong album din silang ire-release sa kanilang ika-10 taon na pamamayagpag sa air-waves at concert scene bilang predecessor ng Hagibis group noong 80s.

Mapanonood ang 10th Anniversary ng Masculados sa concert na gagawin sa Zirkoh sa Oct 15 kung saan ii-introduce rin ang mga finalists sa Masculados Junior group na magkakaroon this week ng audition para pumili ng pitong members.

Sinumang kalalakihan na may muscles na tulad ng Masculados, edad 18-21 years old, bukod pa sa may tipong artistang mukha at height ay puedeng magpadala ng resume sa opisina ng Studio 56 sa Room 406 West Mansion, Zamboanga St, West Ave, Quezon City.

Dapat ang resume ay may kalakip ng photos kasama ang close up, full body at isang topless photo para Makita ang magandang katawan.

Pumunta sa office mula 2-5 pm at hanapin sina MJ at Gerry. Puedeng tumawag muna sa telephone number 372-45-02.

000

BALITANG naka-scoop ng isang exclusive story ang matapang na NEWS5 anchor na si Erwin Tulfo hinggil sa tunay na nangyari sa umano’y kinidnap na convict na si Rolito Go.

Sa special report ni Erwin sa primetime newscast na AKSYON ng TV5, ibinulgar ng isang saksi na nakita niya mismong nagka-casino sa Pampanga si Go noong araw na sinabi niyang kinidnap siya mula sa Bilibid noong Agosto 12.

Kwento pa ng witness, regular na nagka-casino si Go at daan-daang libo raw kung tumaya. Noong araw nga raw na iyon, halos P800,000 ang ipinatalo nito sa sugal kaya naman kinapos sa pera at nakapangutang sa mga financer sa casino.

Upang takasan ang pagkakautang, gumawa raw ng kwento si Go na na-kidnap siya sa loob ng bilangguan. Napanood ang three-part exclusive ni Erwin, 6pm sa AKSYON ng TV5.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply