JPE hindi mapapatalsik dahil sa RH Bill – Sotto

HINDI mapapatalsik si Senate President Juan Ponce Enrile sa pwesto nang dahil lamang sa pag-ipit sa reproductive health bill (RH) bill.

Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III, nanatiling buo ang suporta ng nakararaming Senador  kay Enrile.

Hindi rin naman iniipit o binabalam ni Enrile ang RH bill kundi kinikilatis lamang nang husto alinsunod sa legislative process.

Maging si Senador Franklin Drilon na kapanalig ng Malakanyang sa Liberal Party (LP) at sinasabing potensyal na ipalit kay Enrile ay nagsabing hindi rason ang RH bill para baguhin na ang liderato ng Senado.

Ayon pa kay Drilon, bukod sa suportado niya si Enrile bilang Senate President ay hindi rin siya sang-ayon kung sukdulang magkudeta at babrasuhin sa Senado ang RH bill dahil nakabitin pa naman iyon sa Kamara.

Mas praktikal para kay Drilon na hintaying makalusot sa Kamara ang RH Bill bago pagbotohan sa Senado

Una rito, umugong na may gapangan sa Senado para mapatalsik si Entile bilang Senate President at si Sotto ang Majority leader dahil sila ang sinasabing tinik kaya hindi umaabot sa botohan ang RH Bill.

Sina  Enrile at Sotto ang pinakamatagal na nakikipag-debate sa Senado ukol sa RH bill dahil sila rin ang may kontrol kung isasama sa agenda ang kanilang plenary sessions ang RH bill na isa sa priority measures ng Malacanang.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply