JRU sisikapin na makakapit muli sa top 4

NAWALA sa top four ang Jose Rizal University Heavy Bombers ng masilat sila sa huling laro laban sa tanggal ng Lyceum of the Philippines Pirates, 62-69 at manalo kahapon ang host Letran Knights sa last year’s runner up San Sebastian College, Stags, 82-67.

Nalaglag sa fifth spot ang Heavy Bombers tangan ang 8-6 win-loss slate habang nasolo ng Knights ang fourth spot bitbit ang 9-6 karta.

Kaya naman kailangan ng Heavy Bombers na kaliskisan bukas ng ala sais ng gabi ang College of Saint Benilde Blazers para makakapit at makasalo muli sa fourth spot sa pagpapatuloy ng 88th NCAA seniors basketball competition sa The Arena sa San Juan.

Naagaw ng Knights ang puwesto sa JRU ng dalhin ni forward Kevin Racal ang Letran upang punuan ang pagkukulang ni star player Kevin Alas na nasa bench dahil sa foul trouble.

Tumikada ng 18 puntos si Racal habang si Alas ang top scorer para sa Letran na may 23 pts., seven boards at four assists para mabalewala ang kinamadang 27 points at 18 boards ni Stag reigning MVP Calvin Abueva.

Samantala, palalakasin din ng Perpetual Help Altas ang kanilang kampanya para sa Final Four sa pakikipagbanggaan ng katawan sa Mapua Cardinals sa unang sultada.

Nasa tersero puwesto ng team standings ang Altas hawak ang 9-5 baraha.

Halos nasa kamay na ng defending champion San Beda College Red Lions at Stags ang tiket para sa susunod na round.

Solo sa unahan ang Red Lions kagat ang 12-2 panalo-talo karta habang 11-3 ang pasan ng Stags.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply