Judge sa tax evasion case nina Mikey Arroyo, napromote na CA justice

ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino bilang bagong Court of Appeals justice ang hukom na may hawak sa tax evasion case ng mag-asawang Congressman Mikey at Angela Arroyo.

Batay sa isang pahinang transmittal letter mula sa tanggapan ng Pangulo, itinalaga si QC RTC Judge Marie Christine Jacob upang pumalit sa binakanteng pwesto ni Justice Josefina Guevarra-Salonga.

Kasama rin sa itinalaga bilang mga bagong mahistrado ng CA sina Iligan RTC Judge Oscar Badelles at QC RTC Judge Henry Jean Paul Inting.

Papalitan nila ang mga nagretirong sina Justices Juan Enriquez at Antonio Villamor.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply