Jueteng payola probe, itutuloy ni Koko

HINDI kuntento si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III sa imbestigasyon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago kaya itutuloy nito ang pagkalkal sa pagkakasabit ni dating DILG Usec. Rico Puno sa jueteng payola at maanomalyang bidding sa baril ng pulisya.

Sa pahayag nitong Sabado, sinabi ni Pimentel na nararapat lamang na ipagpatuloy ang imbestigasyon kay Puno kabilang ang ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) dahil nababanggit ang kanilang pangalan sa impormasyon na ibinabahagi ng isang civilian intelligence officer ng pulisya.

“The charges and counter-charges raised in media by personalities said to belong to the police certainly merit a full-blown investigation if one considers the fair assumption that jueteng operators cannot continue with their illicit activities without powerful backers,” ayon kay Pimentel.

Nitong Biyernes, tinapos ni Santiago ang imbestigayson kay Puno matapos nitong pabulaanan ang akusasyon ni retired Archbishop Oscar Cruz sanhi ng kawalan ng ebidensiya.

Ngunit, ayon kay Pimentel, dapat ipagpatuloy ang imbestigasyon matapos mabulgar ng dalawang heneral ng PNP ang sangkot sa jueteng payola.

“With a certain Molly Acuña, said to be a civilian personnel of the PNP Intelligence Group, purportedly making the disclosure in emails sent to Camp Crame reporters,” aniya.

Aniya, nakatakdang imbitahan ng Senate committee on games and amusements na kanyang pinamumunuan ang ilang opisyal ng PNP na nabanggit sa kontrobersiya upang makuha ang kanilang pahayag.

“Pinupunit ng illegal gambling games ang hibla ng moralidad ng ating lipunan, kaya nararapat nang masugpo ito,” giit ni Pimentel.

Sa pagdinig nitong Biyernes, sinabi ni Pimentel na lubha nang nakakaalarm ang pagtaas ng operasyon ng illegal number games sa bansa kaya nararapat nang imbestigahan ito upang matukoy ang epekto nito sa ating lipunan at ekonomiya.

“Jueteng, for example, targets the poor, especially those in the countryside. Bets placed in jueteng by members of families who live hand-to-mouth existences are money best used to buy food and other necessities. So, jueteng is really a pernicious problem which we must solve,” ayon kay Pimentel.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply