Veteran journalist Jun ‘Bote’ Bautista namayapa na

NAMAYAPA nitong Martes ng umaga ang beteranong journalist na si Jun “Bote” Bautista, ilan sa mainstream journalist na komokober ng sensitibong political events noong panahon ng Martial Law, sanhi ng komplikasyon sa sakit sa baga o chronic obstructive pulmonary disease.

Bago magretiro si Jun Bote, kilalang journalist ng GMA-7 na komokober sa Senado, isa siya sa kinikilalng mamamahayag na nag-uulat ng pangyayaring gumigimbal sa pulitika sa Pilipinas.

Isa si Bote, sa ilang journalist na nawalan ng trabaho sa pagbagsak ng batas militar noong 1972 ngunit kaagad naman itong natanggap sa GMA Network Inc., kung saan namayagpag siya bilang tinitingala at respetadong mamamahayag ng kanyang panahon.

Kabilang sa mga iniulat ni Bote nang walang takot ang mga pangyayari sa panahon ng batas militar na ayaw “hawakan” ng kapwa mamamahayag dahil masyadong mainit ang isyu.

Katulad ng kanyang pag-uulat sa labor case ng bayaw ni Marcos na si Benjamin “Kokoy” Romualdez na siyang ikinagalit ng rehimeng Marcos kaya napilitan ang kanyang employer na parusahan siya ng isang taong walang “on-camera reporting.”

Noong 1986 snap elections, mas pinili, sa harap ng panganib, na maiwan ang iulat ang pagdukot sa kasamahang mamamahayag na ni Benjie Guevarra ng Malaya, na sa panahong iyon ay miyembro ng tinaguriang mosquito presses na kritikal sa diktadurya ni Marcos.

Si Bote ang unang host ng Kapihan sa Senado na tumatalakay sa pangunahing isyung bayan na sangkot ang mga polisiya at patakaran na tinatalakay ng mga senador.

Nagsusulat siya ng kanyang kolum sa Abante at Abante Tonite bago siya pumanaw.

Nakatakdang iburol ang kanyang labi sa Magallanes Chapel, sa Magallanes, Makati City.

Ihahayag naman ng kanyang pamilya ang araw ng libing.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply