K-9 agents ng BoC

SA kasaysayan, ngayon lang  (yata) may nahuling rhino horns  ang mga ahente ng Bureau of Customs. Ito’y natagpuan na nakatago sa mga sako ng cashew  nuts na dumating kamakailan sa Manila International Container Port. Ang rhino horns ay bahagi ng Rhinocerus animal na matatagpuan lang sa Africa at itinuturing nang endangered specie kaya ang sinomang tao na may hawak ng mga katay nang bahagi nito ay mananagot sa batas.

Kasing halaga raw ng ginto ang presyo ng rhino horns kaya marami  ang nangtatangka pa rin na manghuli at pumatay ng rhinoceros, pagkatapos ay ipupuslit ang mga sungay at bahagi nito palabas ng  Africa. Ang rhino horns ay nakagagamot umano ng  malulubhang sakit  gaya ng cancer kaya ito ay napakamahal ang presyo. Ilang piraso lang ang nasakoteng rhino horns pero nagkakahalaga na ito ng P73 milyon.

At ang ulat na ating natanggap, napakahirap daw makahuli ng smuggled rhino horns dahil maayos itong itinatago sa mga kargamento na mahirap ma-detect ng kahit ano pang modernong gamit  sa Pantalan.

Ngunit dahil sa ‘mala-K-9 dog’ na pang-amoy  daw ng mga tauhan ni Commissioner Ruffy Biazon, ang tagong-tago na rhino horns ay natagpuan. Malaking accomplishment ito para sa gobyerno ng Pilipinas.

Dahil kahit daw sa ibang bansa na may sophisticated  ‘detection’  gadget ay ‘di  makahuli ng smuggled rhino horns. Mas madalas daw na nakapupuslit ito kaysa mahuli nila kahit pa moderno ang kanilang mga gamit.

Tayo ay natutuwa dahil nakikita natin ang pagpupursige ng liderato ni Comm. Biazon para mabago ang kalakaran sa BOC na ‘di lingid  sa lahat ay itinuturing na pinaka-corrupt na ahensya ng pamahalaan.

Sa mga isinasakatuparang hakbangin ni Comm. Biazon, unti-unting nababago ang sistema sa Aduana. Sa kanyang pamumuno, nababalintawan natin ang pagpapatupad ng ‘tuwid na daan’ ng Aquino administration sa BOC.

Sa pamamagitan ng maayos na pamamahala ni Comm. Biazon,  sana ay  tuloy-tuloy nang mabubutata ang korapsiyon sa ahensya.

PAGING COL. ACEO

Walang aksyon si Batangas police director S/Supt. Rosauro Aceo sa pamamayagpag ng STL o Loterya ng Bayan bookie ope-rations nina ‘Nene’ at ‘Minda’. Ang sentro ng operasyon nila ay sa bayan ng Bauan at San Pascual at sinisira nila ligal na operasyon ng STL o LNB sa lalawigan.

Ang mga police chief na sina C/Insp. Rommel Agbunag at Supt. Alfredo Dangani ay ‘tahimik’ sa operasyon nina ‘Nene’ at ‘Minda’.

Bakit kaya? Col. Aceo…Sir… baka puwede mong tanungin sina C/Insp. Agbunag at Supt. Dangani.  Subaybayan natin.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply