Ka-live-in huling nakikipagtalik sa iba, kelot sinaksak ng bading

MISTULANG binuhusan ng malamig na tubig ang 32-anyos na street sweeper nang mahuli sa aktong nakikipagtalik ang kanyang magandang kalive-in partner sa loob mismo ng silid ng isa sa kanilang mga boardmate kagabi sa Pasay City.

Sa halip na masindak sa pagpindeho sa kalive-in, tinangka pang saksakin ng 24-anyos na si “Rica” (hindi tunay na pangalan) ang kinakasamang si Elmunto Apillanes habang kinokompronta si Jefferson Dy, 26, ang lalaking kanyang ipinalit sa kinakasama.

Nagawa namang mailagan ni Apillanes ang pananaksak ng kinakasama subalit nahagip din siya sa kaliwang daliri kaya nagpasyang tumakbong palabas ng bahay upang humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng mga tauhan ni Chief Insp. Joey Goforth, hepe ng Investigation Division ng Pasay police, hinanap ni Apillanes ang kinakasama nang hindi niya nadatnan sa loob ng kanilang inuupahang silid na nasa unang palapag ng paupahang bahay sa 767 P. Medina St., dakong alas-11 ng gabi.

Umakyat sa ikalawang palapag ng bahay si Apillanes at sumilip sa siwang ng pinto na inuupahan naman ni Dy.

Laking gulat ni Apillanes nang masilip ang kinakasama na walang saplot pang-ibaba habang nasa ibabaw ng nakahigang lalaki.

Kaagad na kinatok ni Apillanes ang pinto hanggang sa buksan ito ni Dy kung saan nakita niya ang kalive-in na nagtakip na lamang ng kumot sa halip na magsuot ng saplot.

Sa pahayag naman sa pulisya ni Erlinda Apillanes, 39. nakatatandang kapatid ni Elmundo at residente rin sa naturang lugar, nakita niya si Dy na siyang nag-abot pa  ng patalim kay Rica habang galit na galit na kinokompronta ng kanyang kapatid.

Inaresto na ng pulisya ang dalawa at nakatakdang sampahan ng kasong attempted homicide sa Pasay City Prosecutors Office.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply