Kabahayan alisin sa active fault line areas – Phivolcs

NAPALABAS ng abiso ang Quezon City government na ilipat ang mga tirahan ng mga residente ng Blue Ridge, White Plains at Greenmeadows Subdivisions dahil sa West Active Fault line system na sakop ng lungsod.

Binigyang diin ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum na hindi dapat tinatayuan ng bahay ang mga active faultline areas.

Gayunman, sinabi ni Solidum na naitayo na ang mga bahay sa mga nabanggit na subdivision bago pa nadiskubre at napag-aralan ang active fault lines.

Ayon kay Solidum, tiyak na apektado ang bahay sakaling gumalaw ang fault at mapunit ang lupa dahil sa malakas na lindol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply