Kabataang nakaboto na, magparehistro pa rin

KAILANGAN pa ring muling magparehistro ng mga kabataan na nagpatala na at bumoto sa Sangguniang Kabataan (SK) Elections noong 2010, upang makaboto naman sila sa May 13, 2013 National and Local Elections.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, ang paalala ay kanilang ginawa dahil mayroong misconception ang ilang SK members hinggil sa registration process.

Marami kasi sa mga ito ang nag-iisip na kapag nakapagparehistro na sila para sa SK elections ay maaari na rin silang bumoto sa national elections.

“The Comelec reminds SK voters during the 2010 elections to register anew so they can vote in the next year’s elections,” ani Jimenez, sa isang kalatas.

Kasabay nito, nanawagan si Jimenez sa pamunuan ng SK Federations sa buong bansa at sa National Youth Commission na tulungan silang hikayatin ang mga kabataan, partikular ang SK voters na magparehistro na.

“We call on the  leadership of Sanggunian Kabataan Federations nationwide and the National Youth  Commission (NYC) to help us in encouraging the youth, especially the SK voters  of 2010, to register,”

Ani Jimenez, patuloy pa rin ang isinasagawang voters’ registration sa bansa na magtatapos hanggang sa Oktubre 31, 2012.

Bukas umano ang mga tanggapan ng Comelec mula Lunes hanggang Sabado mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Ang mga interesadong magparehistro ay kailangan lamang magdala ng balidong identification (ID) card.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply