Kagubatan ng Negros nakakalbo na

NANAWAGAN na ang lokal na pamahalaan sa kinuukulang ahensya upang pag-ukulan ng pansin ang nakakalbong kagubatan sa Negros.

Batay sa ulat, tinatayang aabot na lamang sa tatlumpung libo ektarya mula sa isang daang libong ektarya ng kagubatan sa lalawigan ng Negros Occidental ang natitira dahil sa illegal logging.

Ayon kay Gov. Alfredo Marañon Jr., ang naturang kagubatan ay kasama sa Northern Negros Natural park kaya dapat na doblehin ang pagsisikap sa isinasagawa ng mga local government unit (LGU) upang mapangalagaan ang kagubatan.

Kaugnay nito, hinahamon ng gobernador ang mga miyembro ng Task Force Ilahas na gawin ang kanilang trabaho upang mabantayan ang natitirang punong kahoy sa lupain.

Nalulungkot si Marañon dahil ang ginagawang reforestation project ng lalawigan ay ginagapang naman ng mga kaingeros sa pamamagitan ng pagsunog nito.

Napag-alaman na laganap pa rin ang pagkakaingin sa ilang bulubunduking bahagi ng Negros Occidental.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply