Kahilingan ng mga guro, reresolbahin ng Comelec

TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) na reresolbahin nila ang inihaing demands/wish list ng mga guro na magsisilbi sa halalan sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., nais nilang bago ang Oktubre ay maresolba na ang mga nasabing demands ng mga guro.

Ang demands at kahilingan ng mga guro ay resulta ng kanilang pakikipagpulong sa Teachers’ Dignity Coalition (TDC) noong Biyernes.

Iginiit ni Brillantes na hindi nila maaaring balewalain ang kahilingan ng mga guro dahil kung wala sila ay hindi makakayanan ng poll body ang pagsasagawa ng tapat at malinis na halalan.

Ang mga guro ang nagsisilbing Board of Elections Inspectors (BEI) kapag halalan.

Kabilang sa mga kahilingan ng mga guro partikular ang mga nasa pampublikong paaralan ay ang mas mataas na honorarium, pagbawas sa bilang ng mga botante kada presinto pagtiyak sa kanilang seguridad, insurance package at malinaw na appointment sa mga guro bilang BEI.

Ayon naman kay TDC chairperson Benjo Basas, may ilang guro rin ang humihiling ng optional poll duty sa mga lugar na mataas ang election-related violence at kidnappings gaya ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Sulu, Zamboanga peninsula, Masbate, Abra at iba pa na mataas ang political tension kapag sumasapit ang halalan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply