Kahilingan ni ex-NBI chief Gatdula, tuluyan nang ibinasura ng DOJ

DAHIL sa kawalan ng merito, tuluyan nang ibinasura ng Department of Justice panel of prosecutors ang kahilingan ni dating NBI Director Magtanggol Gatdula na ilipat sa city prosecutor’s office ang kasong frustrated murder na kanyang kinakaharap .

Ang naturang kaso ni Gatdula ay kaugnay pa rin sa kinasasangkutan nito sa pag-ambus kay NBI Deputy Director Reynaldo Esmeralda noong February 20, 2012.

Kaugnay nito, binigyan naman si Esmeralda ng 5 araw upang makapagbigay ng kasagutan sa motion for reconsideration (MR) na isinumite ng kampo ni Gatdula.

Maging ang iba pang respondent ay nagsumite na rin ng counter affidavit.

Ayon kay Assistant State Prosecutor Gerard Gaerlan, tuluyan nang ibinasura ang kanyang kahilingan ni Gatdula dahil sa kawalan ng merito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply