Kahit ‘kaibigan’ ni PNoy: Puno, hindi untouchable

TINIYAK ng Malakanyang na hindi “untouchable” si DILG Usec. Rico Puno kahit “kaibigan” siya ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, isasalang sa imbestigasyon si Usec. Puno sa mga alegasyong ibinabato laban dito at hindi pasaporte ang pagiging kaibigan ng Pangulong Aquino para maabswelto sa mga imbestigasyon na gagawin laban sa kanya.

“He’s not untouchable. Nobody is untouchable in this administration,” ang diing pahayag ni Sec. Lacierda.

Binigyang halimbawa nito ang nangyari kay BuCor Director Ernesto Diokno na hanggang sa ngayon ay wala pa ring posisyon sa gobyerno.

Sa kabilang dako, bahala na si Usec. Puno na linisin ang kanyang pangalan sa mga kontrobersiyang isinabit sa kanya.

Wala aniya sa lugar ang Malakanyang kung ito pa ang magpapaliwanag ng pagkakasangkot ni Usec. Puno sa mga isyung may kinalaman sa pagtanggap ng payola mula sa jueteng lords, overpriced na pagbili  ng baril at ang kuwestiyonableng pagpunta sa condo unit at tanggapan ng yumaong DILG Sec. Jesse Robredo noong mismong araw na napaulat na bumagsak ang eroplanong sinasakyan ng Kalihim.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply