Kahit sexy sexy na! Francine Prieto pang mother role na lang

SABAGAY, we cannot blame Francine Prieto naman kung tumaba siya nang husto dahil sa sunud-sunod na matinding depression na naranasan lalo na sa pagkamatay ng kanyang butihing ina. Another thing, nawalis na ‘yung mga sexy movies at hindi na rin nagpu-produce ng pelikula ang dating bossing niyang si Robbie Tan. Kasi naman, nadismaya nang todo ang naturang movie produ nang i-ban ng SM Cinemas ang pagpapalabas ng sexy movies.

Si Boss Robbie ang unang nagbigay ng big break noon kay Francine sa Seiko Films na talagang ikinasikat nang  husto ng nasabing sexy star. Pero tulad ng ibang kasamahan sa industriya ay bumagsak rin ang kanyang popularidad at kahit sabi ng mga nakakita rito lately ay sexy na ang aktres, tapos na talaga siya sa pagiging lead star at pang mother roles na lang.

Yes, walang kiyemeng tinanggap ni Francine ang teleserye sa Kapamilya network na “Ina, Kapatid, Anak” kung saan gaganap siyang nanay ni Xian Lim.

For us, walang masama kung nanay na lang sa serye ang sexy star. Ang importante ay may project siya.

Isa pa quality ang nabanggit na teleserye at mapapansin ang portrayal niya rito so right career move pa rin ito para kay Francine Prieto. Sabi nga ng anak-anakan namin ng BFFT Pete A na si Natasha Ledesma, dumarami ang raket nilang mga artista kapag napanonood sila ng regular sa TV. Yes, with ABS-CBN, expect natin na bobongga na naman uli ang career ni Ms. Francine.

Very true gyud!

***

Claire Dela Fuente, busy man sa pagiging talent manager ‘di pa rin kinalilimutan ang pagkanta

YES, hot man ngayon bilang talent manager si Ms. Claire dela Fuente kung saan pare-parehong in-demand ang career ng mga alagang sina Sam Pinto, Bela Padilla, Meg Imperial at Yam Concepcion.

Kapag may time at maluwag ang schedule ay tumatanggap pa rin pala si Ms. Claire ng bookings sa mga show here and outside Mega Manila. Ang medyo iniiwasan lang ng Viva Recording Artist/Businesswoman ay tumanggap ng show sa abroad. Kasi maraming preparations at very taxing rin for her.

Recently lang nag-perform si Claire sa 60th birthday ng movie and TVproducer na si Wilson Tieng held at Mandarin Hotel in Makati.

Nakasamang mag-entertain ng nasabing Diva sa naturang affair sina John Lesaca, Nonoy Zuniga, Christian Bautista, Faith Cuneta at RJ Jacinto. Wala pa rin talagang kupas ang isang Claire dela Fuente dahil naging applauded ang kanyang number rito.

Well, sino ba naman kasi ang makalilimot sa kasikatang tinamasa ng singer/talent manager kung saan ‘yung mga hits nito noon tulad ng “Nakaw Na Pag-ibig” at signature song na “Sayang” ay tinatangkilik pa rin ng kanyang mga fans all over the world. Out na pala sa market at mabibili ninyo na sa mga record bars nationwide ang first Christmas album ni Claire under Viva Records.

We heard na ginastusan ng milyones ang nasabing album.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply