Pinas patuloy na uulanin – PAGASA

NAGBABALA ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.(PAGASA) na patuloy na magiging maulan kahit wala silang nakitang anomang sama ng panahon sa loob ng teritoryo ng bansa.

Paliwanag ng PAGASA, ang nararanasang pag-ulan sa bansa ay dulot pa rin ng hanging Habagat na umiiral sa malaking bahagi ng Pilipinas.

Sinabi pa ng PAGASA na ang mga sunod-sunod na pagkulog na nararanasan sa dakong hapon o gabi ay isa sa mga katangian ng Habagat.

Kaugnay nito, patuloy na binabantayan ng PAGASA ang mga namumuong ulap sa karagatan ng Guam na maaaring maging isang low pressure area

Dahil dito isang mababaw na namumuong sama ng panahon o shallow low pressure area (SLPA) ang binabantayan ngayon ng PAGASA

Huli itong namataan sa layong 280 kilometro silangan ng Infanta, Quezon.

Dahil dito, makaaasa ng mga pag-ulan ang kalakhang Maynila gayundin ang ilang bahagi ng Palawan, Visayas at maging ng Mindanao lalo na sa dakong hapon o gabi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply