Kahon-kahong sex toys, gadgets, nasamsam sa Quiapo

KAHON-KAHONG sex toys ang nasamsam ng mga awtoridad at tauhan ng Manila Department of Social Welfare and Development sa Quiapo, Maynila sa isinagawang pagsalakay sa mga tindahan sa bangketa.

Ayon kay DSWD chief Jay dela Fuente, hindi angkop na magbenta ng mga sex toys and gadgets sa bangketa dahil daraanan ng mga tao at ito ay nakikita ng mga kabataan.

Ilan naman sa mga tindera ng nasabing mga produkto ay nagsitakbuhan nang makita ang mga awtoridad at DSWD.

Sinabi naman ng tinderong si Jonathan, alam umano nilang ipinagbabawal ang pagbebenta ng sex toys lalo na sa bangketa ngunit nagtitinda pa rin sila dahil marami umano ang naghahanap.

Karamihan, aniya, sa bumibili ay mga matatanda.

Sinabi pa ni de Fuente na isa sa mapanganib sa kalusugan na ibinebenta sa bangketa nang Quiapo at kahabaan ng Avenida, Recto sa Sta.cruz, Maynila ay ang tablet na anila’y “pampatigas” dahil wala itong prescription ng doctor.

“ Yang tablet na yan na sinasabing pampatigas, eh baka iba ang tumigas sa kanila dahil walang reseta ng doctor at hindi naman magrereseta ang doctor ng gamot na sa bangketa mo mabibili,” ayon pa kay de la Fuente.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply