Kailan kaya magbabayad fil-estate sa BCDA

ANG kaso ng joint venture o kasunduan sa pamamagitan ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) at ng Fil-Estate group of companies ay magsilbing aral sana sa gobyerno.

Pinaupahan ng BCDA ang Camp John Hay sa Fil-Estate na agad nagtayo ng kompanyang Camp John Hay Develop-ment Corp. (CJHDevco) upang i-develop ang kampo bilang isang tourist attraction for the very rich and very powerful.

Ang CJHDevco ay pag-aari ng Fil-Estate at College Assu-rance Plan (CAP). Ang tatlong kompanyang ito ay pinamumunuan ni Bob Sobrepeña.

Limpak limpak na ang kinita ng CJH (Fil-Estate at CAP) sa joint venture na ito with BCDA.

Sa katunayan, according to BCDA, sa loob ng tatlong taon ay nag-declare na ng cash dividends ang CJH sa halagang P928 million.

Eh kumita ba naman ang BCDA? Nakalulungkot subalit ni isang kusing ay hindi.

Naniningil na ang BCDA dahil ang utang ay umabot na sa P1.44 billion.

Ayaw magbayad ang CJH sa napakaraming dahilan hanggang nagkademandan ang dalawang kompanyang ito. Idinemanda pa ng CJH si G. Arnel Paciano Casa-nova, presidente ng BCDA, ng libel.

Si Casanova ay takang-taka kung bakit kumita pa sina Bob Sobrepeña at mga kaibigan niya sa Fil-Estate at CAP gayong, ayon sa dalawang kompanyang ito, ay luging-lugi na sila.

Ang Fil-Estate ay sikat na sa tsismis na hindi nagbabayad ng utang. Totoo man o hindi, ang Fil-Estate ay napakaraming kasong hinaharap, katulad ng mga reklamo ng kanilang mga investor.

At ang CAP? Hindi rin nagbayad ng utang dahil nalugi raw sila. Lugi kaya hindi na nila binayaran ang mga bumili ng college assu-rance plan sa CAP.

Ilang libong tao na ba ang nabiktima ng pre-need companies sa ating bansa? Ilang milyong piso na ba ang nalikom ng pre-need companies na nagsara na?
Kawawang parents.

Dumulog ang parents sa hukuman at sinabi ng hukuman na dapat nang bayaran ng CAP ang creditors. Oh boy, oh boy, ang unang naningil ay isang hindi naman dukhang si Manny V. Pangilinan (MVP), may-ari ng Smart na ka-tie-up din sa Smart Araneta na ari naman ng pamilya ni Mar Roxas.

Si MVP pala ang major cre-ditor ng CAP at siya ang unang nakasingil. Kawawang mga magulang. Kawawang mga ka-bataan na nawalan ng edukasyon. Kailan kaya naman magbabayad ang grupo ni Bob sa BCDA?

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply