Kakarampot na rolbak sa presyo, ipinatupad ng oil companies

NAGPATUPAD ng kakarampot na price adjustment ang ilang oil companies kaninang alas -6:00 ng umaga.

Sa ibinigay na impormasyon ng mga naturang oil firm na kinabibilangan ng Chevron, Petron, Shell, PTT at Phoenix Petroleum kapiranggot na P0.25 centavos ang inirolbak nila sa kanilang diesel habang nagtaas ng halos piso o P0.95 sa presyo ng gasolina.

Una rito, alas-12:01 kaninang madaling araw, unang nagtaas ng P0.95 ang Flying V sa presyo ng kada litro ng kanilang premium at unleaded gasoline at P0.35 naman sa kanilang regular gas.

Samantalang P0.25 sa presyo ng diesel pero walang pagbabago sa presyo ng kanilang kerosene.

Ayon sa mga abusadong company, bunsod umano ito ng patuloy na paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply