Kaligtasan ng US envoys and personnel sa Pinas tiniyak

TINIYAK ng Malakanyang ang kaligtasan ng envoys at personnel ng US Embassy sa Manila makaraang magbanta ang teroristang grupong Al Qaeda  ng mas maraming pag-atake sa mga embahada ng Estados Unidos.

Ani Deputy presidential spokesperson Abigail Valte, hindi sila nababahala na makikialam ang Muslim community  sa bansa lalo pa at nakikiisa ang mga ito  sa isinusulong na kapayapaan ng pamahalaan.

“Of course envoys and US Embassy personnel in the Philippines don’t need to flee…There’s no such danger against them in Manila and the Philippines. The government can guarantee the safety of the US Embassy,” ayon sa opisyal.

Sa katunayan ay pinalobo pa ni National Capital Region Police Office Chief Superintendent Leonardo Espina ang mga miyembro ng pulis sa labas ng embahada.

Bukod dito, nakiisa rin ang Metro Manila police na higpitan ang seguridad sa labas ng embahada matapos magpalabas ng direktiba si US President Barack Obama na paigtingin ang seguridad sa US posts sa ibang bansa.

Idinagdag pa ng opisyal na nagpakita ang Muslim Filipinos ng pagiging sibilisado at kagandang-asal kaya walang dapat na ipangamba ang mga embassy personnel.

Binigyang diin pa ni Usec. Valte na wala pang  kasaysayan sa Pilipinas ang nagkaroon ng gulo na sangkot ang embahada.

Samantala, wala namang balak ang Malakanyang na hilingin sa Google na i- block ang access ng videos na naglalaman ng sinasabing anti-Islamic content.

Ang kamakailan lamang na pag-atake sa US embassy sa Libya na nagresulta ng pagkamatay ng US envoy ay kuha sa isang pelikula  na di umano’y offensive sa Islam.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply