Kalye sa Maynila sinira para maging palengke, paradahan

BIBIGYANG daan muli ng Lily’s Files ang ilan sa mga tambak na  text message at mga nag-email  ng kanilang mga reklamo at hinaing ukol sa kanilang mga employer o lugar ngunit tulad ng dati, ‘di na po natin babanggitin ang kanilang mga pangalan at cellphone number para sa  kanilang kahilingan at proteksiyon.

Kung anoman ang mailalathala ng pahayagang REMATE,  iyon po ang mga nakasaad sa kanilang mga padalang message at email sa inyong lingkod at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.

MAGANDANG araw po Lily’s Files. Gusto ko lang pong itanong sa mga magigiting na opisyal ng Maynila kung ginawa ba ang mga kalsada rito para lang gawing palengke, paradahan ng sasakyan at latagan ng mga panindang makina ng mga auto supply?

Kasi rito po sa Blumentritt, ang mga paninda ay nandito na sa gitna ng kalsada sa T. Mapua, Severino St. cor. New Antipolo at Cavite St. at sobrang abala po ang  mga ito sa mga motorista. Dito rin po sa may Severino Reyes cor. Laguna at Old Antipolo Sts., halos wala nang maraanan dahil mga makina na ng sasakyan ang nakalatag, idagdag pa po ang mga nakaparadang sa-sakyan ng kanilang mga costumer kung kaya wala na pong makaraan. Pakikalampag naman po ang tang-gapan ni Manila Mayor Alfredo Lim.

Maraming salamat po at more power sa Lily’s Files Column ninyo sa Remate.

GOOD day po. Pakiusap lang po kay Mayor Alfredo Lim at sa sinomang puwedeng mag-ayos ng traffic signal dito sa may kanto ng  Leveriza at Quirino Avenue sa 5th District ng Maynila. Peligro po sa mga tao lalo na sa mga bata ang isang sirang traffic light dito. ‘Wag na po sanang antayin na may ma-disgrasya bago sila kumilos.

MAGANDANG araw po. Dito po sa lugar namin, grabe po ang pahirap ng presidente ng asosasyon namin na si Rey Tanio. Umpisa po kasi noong baha hanggang ngayon, ‘di pa rin kami binibigyan ng tubig. Pinahihirapan pa niya ang mga tao na mag-igib ng tubig sa bahay nila,  P2 po ang isang timba. Ang mahirap pa po roon, tatawid pa kami ng kalsada.

Delikado po, lalo na sa mga bata, baka masagasaan pa sila.

Karamihan po kasi sa mga nakatira rito sa Saturn at Neptune, San Roque, Block 36, sa may bandang Riverside, ay sa kanya nakakabit ang nawasa. Ang mahal ng pagpapakabit sa kanya, P8,000, tapos ‘di niya bibigyan ng tubig ang mga tao rito. Maawa naman po kayo sa mga nahihirapan na mag-igib sa bahay mo.

Bukas po ang Lily’s Files Column para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento.

Mag-text lang po sa 0915568-3000 at 09087230036 o kaya ay mag email lang sa…lpr2012@-yahoo.com.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply