‘Kamao ni Saludar dadapo na kay Tirado’

PAREHONG nakapasa sa weign-in sina ni Pinoy pug Froilan “The Sniper” Saludar at ang katunggaling si Jose Alfredo Tirado ng Mexico, kaya naman tuloy na ang kanilang suntukan bukas ng gabi sa 112 lbs. Interim WBO Oriental Flyweight Championship na gaganapin sa Cuneta Astrodome sa Pasay, City.

Kaninang umaga tinimbang sina Saludar at Tirado at ngayong alas sais ng gabi uumpisan ang supporting bouts bago ang main event na pinamagatang Kamao: Kidlat at Maso na inorganisa ng Shape-Up Boxing Promotions.

Ayon kay Tirado na Kinikilalang pinakamalakas na 112 pounder sa kanilang bansa ay pagkatapos ng kanyang laban sa Pinoy ay gusto rin nitong kalabanin si WBO flyweight champion Brian Villoria.

May kartang 27 panalo 11 talo kabilang ang 19 KOs. ang 32-anyos na si Tirado habang si si reigning WBO Youth Flyweight Champion, Saludar ay may malinis na 15 wins, isang table at 11 KOs.

“Ganadong-ganado po tayo ngayon, pinaghandaan ko po ito ng mabuti kaya malakas ang loob ko na mananalo tayo.” Saad ng nakatatandang kapatid ni Asian Games gold medalist Rey Saludar.

Samantala, lumampas sa catch weight si Pinoy boxer Mark Jason Melligen kaya naman pinagbabawas ito para mahabol ang timbang bago ang laban nila ni Sapapetch Sor Sakaorat ng Thailand para sa 147 lbs na may 10 rounds.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply