Kamara nayanig sa banta ni Manny Pangilinan

UMAPELA ang liderato ng Kamara sa negosyanteng si Manny V. Pangilinan na huwag totohanin ang bantang aalisin nito ang lahat ng negosyo sa Pilipinas matapos masangkot ang pangalan sa awayan nina Senate President Juan Ponce Enrile at Senador Antonio Trillanes.

Sinabi ni House Majority Leader Neptali Gonzales na nakakabahala aniya ang napaulat na dismayado si Pangilinan sa pagkakadawit ng pangalan nito tulad ni DFA Sec Albert del Rosario sa awayan nina Enrile at Trillanes

Ani Gonzales, naiintindihan nito ang sama ng loob na nararamdaman ng business tycoon pero nakiusap na sana ay huwag nitong ituloy ang pag-aalis ng kanyang mga negosyo sa bansa na bantang ililipat sa Hong Kong.

Dahil kung mangyayari umano ito ay malaking dagok ito sa pagsusumikap ng pamahalaan na mapaunlad ang ekonomiya at makapanghikayat ng dayuhang investors.

Mungkahi pa ni Gonzales, sana ay mangibabaw kay Pangilinan ang pagmamahal sa bansa sa halip na pagkadismaya dahil sa pagkakadawit sa awayan ng dalawang senador.

Ang intensyon umano ni Pangilinan na ibalik sa Hong Kong ang mga negosyo sa Pilipinas ay magbibigay ng negatibong senyales  sa investors, na ngayon ay nakakakita na ng liwanag sa gumagandang takbo ng pagnenegosyo sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply