IACAT: Kampanya vs human trafficking tuloy

WALANG dapat na ipangamba ang publiko sa operasyon ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) sa kontrobersyal na kinasasangkutan ng non-government organization na Visayan Forum Foundation, Inc. o VFFI.

Ito ang tiniyak ng IACAT na tinutulungan ito ng VFFI upang masawata ang mga sindikato ng human trafficker.

Sa pahayag ngayon ng IACAT, walang dahilan upang magambala ng nabanggit na kontrobersiya ang kampanya ng IACAT laban sa mga sangkot sa human trafficking.

“The IACAT continues to fullfill its mandate to eradicate all forms of modern-day slavery, in partnership with the public, the international community, and civil society”, sabi sa statement.

Ayon pa sa IACAT, kanilang isusulong ang pagtulong sa mga biktima ng human trafficker at ang pagsasailalim sa kanila sa rehabilitasyon.

Umaasa naman ang IACAT na mapagkakalooban ng sapat na proseso ng hustisya ang VFFI.

Una nang nabunyag na daan-daang milyong piso ang sinasabing nawaldas sa pondo ng VFFI na galing sa US donors.

“The IACAT will respect the results of the legal process, which it believes should be allowed to take its course”, ayon sa advisory.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Una nang itinanggi ni Ma. Cecilia Flores-Oebanda ang kaso laban sa kanya ng US Agency for International Development (USAID) kaugnay sa pamemeke ng mga dokumento upang itago ang pinaggastusan ng $5-M o katumbas na P210-M na donasyon sa VFFI, isang NGO na tinatag noong 1991.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply