Kampanya vs mga ‘epal’ na pulitiko, suportado ng PPCRV

PINABORAN ng election watchdog Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang kampanya ng Commission on Elections (Comelec) kontra sa mga ‘epal’ na pulitiko.

Sinabi ni PPCRV Chair Henrietta De Villa na tama lamang na labanan ang mga epal na pulitiko dahil pera umano ng taumbayan ang ginagastos ng mga ito sa mga naglalakihang karatula o billboard na naglipana tuwing nalalapit na ang eleksyon.

Sinabi pa ni De Villa, na ang paglalagay ng mga karatulang ito lalo na ng mga nakaupong pulitiko ay nagreresulta ng ‘undue advantage’ laban sa mga mahuhusay na kandidato na walang paraan o kapos sa pinansyal para maglagay din ng karatula.

Dahil dito, pinayuhan ni De Villa ang publiko na maglaan ng panahon para kilalanin ang katauhan ng mga tatakbo sa susunod na eleksyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply