Kandidatura ni Philip Salvador, tinimbog ng Election Registration Board ng Pandi, Bulacan!

PALPAK ang planong kandidatura ni Philip Salvador bilang Bise Gobernador sa lalawigan ng Bulacan matapos ma-disapprove ng Election Registration Board ng Pandi Bulacan ang application for transfer of registration nito mula sa 572 Wack Wack, Greenhills, Mandaluyong to 54 Santisima Sst. Bagong Barrio, Pandi, Bulacan.

Nag-ugat ang nasabing pag-disapprove ng kanyang aplikasyon nang may ilang taga Pandi ang kumuwestyon at nagha- in ng challenge sa Local Election Registration Board sa kanyang aplikasyon.

Matatandaan na nag-file ng kanyang Transfer of registration si Philip Salvador noong nakaraang April 11, 2012 kung saan base sa logbook ng Chairman ay siya ang tumanggap at bilang administering officer, siya ang nag-signify sa oath ni Ipe na ang bawat nakasulat sa kanyang aplikasyon ay totoo.

Dahil rito nagfile ng kanilang challenge/opposition to application of transfer of registration of voter sina Romeo Capiral, Marcellano Mendoza noong August 2, 2012 at nitong August 13 ay nagsampa rin ng kaparehong reklamo sina Romy Mesina at Richard Loveranes at nagsamapa rin ng urgent motion para sa ocular inspection sa sinasabing address kung saan nakatira si Ipe para ma-justify ang approval ng kanyang aplikasyon.

Ayon sa mga nagrereklamo at humahamon na pawang mga residente ng Pandi, Bulacan, hindi roon nakatira ang aktor at ang katotohanan ay walang bahay ito sa sinasabing address sa Bagong Barrio.

Para maresolbva ang nasabing issue, nagset ang ERB ng hearing noong August 20, pero nagkataon na non working holiday pala ito kaya inereset ng August 22 at dito rin gagawin ang ocular inspection.

Hindi nakarating si Ipe sa nasabing hearing kahit pa pinadalhan ito ng notice. Sa halip ay nirepresent ito ng isang Atty. Rosendo Meneses lll at hindi maipaliwanag nito kung bakit hindi nakarating ang aktor.

Sa naganap na ocular inspection ng ERB kung saan kasama ang mga counsels ng magkabilang panig at Barangay officials, nakitang sinasabing address at bahay ni Ipe ay hind pa tapos at walang amenities para masabing ito ay tirahan.

Poste palang at walang kuryente, tubig, kama at comfort ng isang bahay para sabihin ng aktor na ito ang kanyang tirahan.

Base sa Tax Declaration, napag alaman na pag aari ito ng Planters Development bank at wala ring naipakita si Philip Salvador ng katibayang pag aari niya ang nasabing istraktura.

Ngunit ayon naman sa counsel ng aktor, ito ay under renovation. Na hindi naman pinaniwalaan ng Board dahil ni hindi pa nga nangangalahati ang konstruksyon nito.

Kaya sa isinagawang deliberation, ayon sa Board, ang unang representation ni Ipe na nakatira siya sa 54 Santisima St. Bagong Barrio, Pandi Bulacan 6 na buwan bago siya nagfile ng application for transfer of registration noong Abril ay isang misrepresentation dahil nga ang sinasabing bahay nito ay hindi pa pwedeng tirhan dahil nga sa wala pa itong bubong, dingding, banyo at kwartong pwedeng tulugan at kitang kita na hindi rito tumitira ang aktor.

Ito ang naging basehan ng kanilang desisyon sa pag-disapprove ng aplikasyon ni Ipe.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply