Kanlungan ng human trafficking victims, ipinapanukala sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE – Isinusulong sa lalawigang ng Masbate ang pagtayo ng gusaling magsisilbing temporary shelter ng mga nasasagip na biktima ng human trafficking at illegal recruitment.

Ayon kay Masbate Provincial Social Welfare Officer Amy Danao, ang pondo para sa konstruksyon ay manggagaling sa P39 milyon na iuukol ng lalawigan bilang Gender and Development Fund para sa susunod na taon.

Sa mga nagdaang taon ang temporary shelter na itinayo ng pamahalaang lungsod ng Masbate ang nagsisilbing tanging kanlungan ng mga biktima ng human trafficking at illegal recruitment na nasabat sa Masbate City Port habang sila’y ibinabiyahe mula sa iba’t ibang bayan ng Masbate mainland at Cebu patungong Luzon mainland.

Ayon kay Danao, lalong bumigat ang pangangailangan na magtayo at magpatakbo ng mas malaking temporary shelter ang lalawigan nang 36 katao ang nasagip mula sa illegal recruitment nang nakaraang linggo.

Ang grupo at ang itinurong nag-recruit sa kanila na 67-anyos na lalaki at nagmula sa bayan ng Placer, Masbate at patungong Nueva Ecija nang masabat sa Masbate City Port ng anti-trafficking task force ng Masbate.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply